Tuesday, September 6, 2011

Rizal, Bakit Ka Pa Namatay

Sa mata ni Rizal, ako'y isang Pinoy na nagmamahal sa sariling wika. Ngunit sa mata ng iba, ako'y isang mag-aaral na sisira sa magandang imahe ng ating Pambansang Bayani.

Sa pelikulang Jose Rizal ay marami akong namatiyagan. Sa blog na ito ay inyong makikita ang aking iba't ibang leksyon at paratang hinggil sa pelikula.

1. Kapag ika'y inalipusta ng iyong ama gamit ang kanyang bayabas na sing kapal ng karayom, siguraduhin mong huwag kang magpa-corner.

2. Ang mukha ni Crisostomo Ibarra na kahit saan anggulo mong tingnan ay mawawari ng iyong mata ang pagkahawig niya sa naaksidenteng si Elvis Presley.

3. Napag-isip-isip ko kung sisikapin ko lang matutunan ang wikang Latin, marahil walang sinuman ang makakaintindi at mamatiyagan ang pagpapaulan ko ng maaanghang na salita ng mga sa insulto sa mga gerilya. 

4. Agad kong napagtanto na sa lahat ng gerilyang gumamit ng baril at balaraw ay si Bonifacio lamang ang hindi marunong magbasa.

5. Kung maari ko lang pakasalan ang utak ni Rizal, marahil matagal na akong masaya.

6. Nang sinabi ni Rizal sa binatilyo aka Gary aka Jhong Hilario "May ipagtatapat ako sa iyo.", ninais kong sabihin din ito sa aking katabi na sina Sir Darang at Arvin. Ngunit binalot ako ng takot sapagkat napakalaki nila at ako'y hamak na isang ompoko-a little bit lamang.
Rizal tulungan mo ako! Nasa gitna ako ng dalawang higante!- wika ng isang mag-aaral.

7. Pinagkaitan man ako ng aking guro na malaman ang kwento ng nobelang Noli Me Tangere at nang napagtanto kong hindi pala si Lapu-lapu ang hinukay ng dalawang mangmang sa pelikula at hindi si Magellan ang bumaril kay Rizal, nakilala ko naman ng  lubos ang nilalandi ni Rizal. Si Eleanor.

8. Ang isang minutong music video sa pelikula na tila isang oras sa aking pagdinig ay lubos na nakakagimbala sa aking tenga at mata.Kung si . . .
Katy Perry 
sana ang kanilang ipinaawit at hindi si 
Maria Clara

siguro'y mababawasan ang pighating aking dinadalamhati.

10. Highlight ng pelikula: ang hubo't hubad na babaeng ginagahasa ng prayle.

Ako na marahil ang pinakahuling nilalang na nakakita sa pelikulang Jose Rizal. Ngunit ibig kong maging kagaya niya, marunong sumaksak ng matitinik na salitang may katotohanan. At sa mga hindi Pilipino, ako'y naaawa sa inyo. Sapagkat hindi niyo natikman ang tunay na talino at karunungan ng Pinoy. 




No comments:

Post a Comment