Saturday, July 9, 2011

Hanggang Ngayon Pa Ba Naman?

Napakalungkot nga naman isipin ang mga alaala na bumabalik sa iyong damdamin noong ika'y isang mag-aaral pa noong hayskul. Ang mga tawanan, iyakan at katuwaan. Haaay. Nakakamissssss.

Pasensya na kung ako'y nag dadrama, ngunit nandito ka nga di ba upang makinig sa aking mga kuwento't hinanakit?  Kung hindi man, umalis ka't gumuhit ng litrato sa pader nang sa gayon mabigyan kabuluhan ang iyong walang kwentang buhay.

ANYWAY,

Natatandaan niyo pa ba ang inyong mga karaniwang ginagawa sa hayskul at di ninyo namamatiyagan na hanggang sa pagtuntong ng kolehiyo ay ginagawa niyo pa rin.  Kasali na dito ang:

1. Pagkain ng takip ng ballpen. Oo, nakakadiri man isipin, ngunit sa mga iliteradong mag-aaral, ito ang kanilang pampalipas oras. Di ko man mawari kung ano nga ba talaga ang lasa ng takip na ito o sadyang baka may mga taong makakating ang dila. Kawawang mga nilalang. Makaimbento nga ng flavored-ballpen, upang tulungan ang mga pataygutom na ito.

2. Ang pagtayo at pagyuko tuwing sasambit ng "Magandang umaga." Ako din ay naging biktima na ng walang hiyang ito. Sadyang napakahirap nga alisin ang baho ng pagiging hayskul student.

3. Ang paghihintay sa guro sa pagsigaw ng "Goodbye class" at saka doon pa lalabas sa hawla.Iba nga pala sa kolehiyo, wala nang respeto ang mga guro sa estudyante. Ni pagsambit ng paalam ay di magawa. Buti pa ang kagaya ko, mabait at magalang :)

4. Ang pagdala ng libro na di naman gagamitin pagdating sa paaralan. Sadyang ako nga lang ba ang stupido o aking mga guro? Pinipilit nilang maging kuba at baliin ang likod ng mag-aaral para sa isang dosena na libro na di naman gagamitin. Pasalamat kayo't hindi ko kayo isinakdal sa korte.

5.  Ang paghaharvest ng kulangot sa ating mala-kagubatang ilong. Huwag tumawa, sapagkat alam kong ito'y nakagisnan mo mula pagkabata hanggang mag menopause ka. Siguraduhin lamang na huwag laruan ang inyong mga naharvest at idikit sa ilalim ng upuan.

Ilan lamang ito sa ating nakagisnan noong tayo'y wala pang kamuwang-muwang sa ating mundong ginagalawan ngunit kailangan natin itong baguhin. Di mo ba nararamdaman? Unti-unti ng numinipis ang kaliskis ng iyong makapal na mukha. Isa iyang malaking biyaya!

5 comments:

  1. by iliteradong mag-aaral, you mean illiterate students? uhmmm

    ReplyDelete
  2. yeah. thanks for the correction:)

    ReplyDelete
  3. what correction? nagatanong nga ako ano meaning ng iliteradong mag-aaral...

    ReplyDelete
  4. its my error kasi wala naman illiterate na nag-aaral:)

    ReplyDelete