Minsan, kailangan natin matutunan kung paano maglaro sa sariling apoy.
Gigising at babangon. Maliligo at magbibihis. Kakain at maglalakad patungo sa Unibersidad. Iyan ang mga karaniwang ginagawa ko sa aking ordinaryong buhay. Ngunit di ko nawari na isa lang palang matanda ang wawasak nito.
Matandang ubod ng kumpiyansa sa sarili na di kayang bigyan ng konsiderasyon ang isang mag-aaral. Siguro napagtanto niyo na ubod din ng malas ang napagbuhatan niya ng kanyang pagkatanda. Hulaan niyo sino? Ako. Oo, at sa lahat ng libu-libong esudyante, ako pa ang nakalasap ng kanyang bagsik sa pagiging ulyanin. Di ko siya masisisi, it's natural process here on earth that we people do get old, and there's nothing we can do about it.
Ngunit sa isang katulad ko, di ako magpapatalo na sesermonan na lang sa harap ng ibang mag-aaral dahilan lang na wala akong dalang libro. Ano ako? Bobo? Kung iyan ang iniisip mo Ermitanyong Baliw, bumalik ka sa inyong bukid at maghanap ng herbal tea na makakagamot sa iyong sirang utak.
Marahil di ko man kilala si clara, pero nakadikit sa aking memorya si Gary. Kaya alam kong paano makipaglaro sa apoy. Kaya propesor, mag-ingat sa pagsaing baka ika'y makain ng apoy mong mukhang dinadaing.
Nang di mo ako pinasagot sapagkat wala akong libro, di mo ba namatiyagan ang aking malademonyong titig? Siguro'y hindi nga dahil nakatakip ang aking maamong mukha. Iyan ang mga isa sa kahinaan ng pagkakaroon ng magandang imahe na ipinagkaloob ng Diyos. At kagaya mo na pinagdamutan ng itsura ng Maykapal, halika't tutulungan kitang manalangin sa iyong kahilingan.
Huwag mo kasing pakuluin ang aking ulo sapagkat di ito aatras sa laban at makikipagdigmaan ito kahit umabot man sa duguan:)
Huwag kayong matakot aking mga kaibigan, ito lamang ay munting paalala na ito ang inyong aabutin kung saka-sakaling manggagambala kayo sa aking ordinaryong araw.
No comments:
Post a Comment