Nasubukan niyo na bang umibig sa isang taong walang kasiguraduhan na iibigin ka rin? Nalasap mo na ba ang tamis ng kanyang mga ngiti na akala mo'y para sa iyo? Nahulog ka na ba sa kanya malaanghel na mga titig na tila dinadala ka patungong langit? Marahil oo at marahil hindi. Pero isa lng ang tawag diyan. TANGA! At sino bang mag-aakala na kasali ako sa mga tangang nahulog sa patibong na iyan. At laking panghihinayang ko na ni isa ay walang tumulong sa akin na pagsabihan akong 'Alam mo nagiging stupido ka na.' Siguro mas duwag pa sila kasi ni kaibigan nila ay di nila magawang tulungan. Buhay nga naman, parang paa, minsan ikaw ang nang-aapak at madalas ikaw ang naapakan.
Naging palalo naman ako sapagkat marami akong natutunan sa pagiging tanga. Kaya yung mga hindi pa, bukas ang pinto for free registration. Requirements: none. Wala kayang kwalipikasyon sa pagiging tanga. Lahat pwede, babae man o lalaki, lalo na ang bakla at tomboy, bata o matanda, at mahirap o mayaman.
UNANG leksyon. Huwag umibig sa taong may iniibig! Para ka namang bungi niyan. Pilit pa rin nagsasalita kahit alam nang di na pwede. PANGALAWA. Huwag umasa lalo na sa mga magaganda! Dalawang tao lang naman ang nandito sa mundo, sabi nila mabait at masama, sabi ko naman, maganda at pangit. Kaya kayong mga pangit, huwag umasa na magusgustuhan kayo ng mga magaganda. Aber, saan ka nakakita ng pelikula na may nagmamahalan nang maganda at pangit sa walang hanggan. Saan mo nakita si Bea Alonzo na ipinares kay Bentong. Kuha niyo punto ko? Kaya kayong mga tanga, huwag maging yoyo, kahit itinatapon na, pilit pa rin bumabalik. PANGHULI, huwag ipilit ang relasyong di mapilit. Para ka kasing nagpapadikit ng papel sa dingding gamit ang iyong laway. Alam mo mabubulyaso, pinipilit pa rin.
Kaya kayo mga tanga, kung saan di na ako kabilang sa titulong iyan, lagyan niyo naman ng third eye ang noo niyo at tumingin sa paligid. Magdasal naman kayo paminsan minsan na nawa'y payuhan kayo ng ating Dakilang Panginoon sa daan na may patutunguhan.
Sinasabi ko ito sa inyo mga TANGA sapagkat ako'y isang concerned citizen na nag-aalala sa mga taong naglalaro sa kanilang sariling apoy. MAGMASID. MAGING MAPAGMATIYAG. At ibahagi ang blog na ito sa mga taong may lubos na pangangailangan.At huwag niyo sundin ang utos ng mga pari. Humayo't magpakarami? Ikaw na ata ang pinakatanga!
No comments:
Post a Comment