Wednesday, June 15, 2011

Mahirap Maging Duwag

Marahil ako na siguro ang pinakahuling taong magtatanong sa inyo nito. "Kamusta ang unang pasok niyo?" Ngunit pasensya na aking mahal, hindi ako nakikinig sa ma-drama mong kwento at mga salitang 'iba nga pala talaga ang hayskul' o 'miss ko na mga classmates ko!' Hindi ko pag-aaksayahan ang oras ko para lang makiiyak at makiramay sa iyo. Hindi ako ganoon ka babaw at alam ko ang pinagdadanan mo ay isa lang hakbang patungo sa daan ng Ewan Ko. Ayokong magbigay ng mga payo katulad ng 'Okay lang iyan, masasanay ka din.' Kasi alam kong magiging okay ka at masasanay ka din.

Ako'y isang taong matalino at hindi nakakulong sa maliit mong mundo. Ngunit kung ikaw ay patuloy na nagbabasa ng blog na ito,  kuha ko na kung anong inaasam mo. Alam kong wala kang magawa (oo, ikaw) kaya pagbibigyan kita sa maliit mong pagsusumamo. Hindi naman sa nangungumpanya pero ang limang minuto mo ay di maaaksaya.

Now let's get back to the real thing. Lakas ng kaba sa dibdib at di mabukang bibig ay isa sa mga simbolo ng bawat estudyanteng nababalot ng nerbyos. Ang mga di mapigilang tanaw sa iba't ibang  sulok ng unibersidad, pagpinta ng nakakaawang mukha, pagpindot ng keypad ng mga cellphone upang di mahalata na walang kasama at walang katapusan paghawak ng panyo. Ito ang dala-dala mong mga palatandaan na ikaw ay isang bobong first year student.

'I just don't want to give them the wrong impressions.' Weh. Di nga. Sa halip na mag mukha kang inabandonang supling na di alam kung anong gagawin, mabuti pa, ika'y tumayo at ilabas ang kumpiyansa sa sarili. Siguraduhin lamang na tamang kumpiyansa at kasi baka masobraan, otot ng mabahong ugali mo ang iyong mailabas. Lumikha ng ngiti gamit lamang ang iyong mga mata at ibigkas ang salitang 'hello.' Kung di mo man ito mabigkas, meron pa naman isa. 'Hi.' At kung di mo pa rin mabigkas, payo ko, umuwi ka sa inyo, kumuha ng gatas at pumunta ng day care.

Nakakalungkot man isipin na mayroon ng gamot para sa mga bobo (MEMOPLUS) at wala pa sa mga duwag.

Isa lamang itong maliit na hakbang patungo sa iyong hinihintay na college life, datapwa't ito'y magbubukas ng panibagong mundo.

Wait, hayaan nalang nga natin ang mga bobong ito ay magpatuloy sa kanilang ginagawa. Ako'y nag-aalala baka wala ng matatalinong tao mabubuhay at matitira kagaya ko.:)

No comments:

Post a Comment