Tuesday, June 21, 2011

Isang Araw ng Paglalaro Sa Apoy

Minsan, kailangan natin matutunan kung paano maglaro sa sariling apoy.

 Gigising at babangon. Maliligo at magbibihis. Kakain at maglalakad patungo sa Unibersidad. Iyan ang mga karaniwang ginagawa ko sa aking ordinaryong buhay. Ngunit di ko nawari na isa lang palang matanda ang wawasak nito.

Matandang ubod ng kumpiyansa sa sarili na di kayang bigyan ng konsiderasyon ang isang mag-aaral. Siguro napagtanto niyo na ubod din ng malas ang napagbuhatan niya ng kanyang pagkatanda. Hulaan niyo sino? Ako. Oo, at sa lahat ng libu-libong esudyante, ako pa ang nakalasap ng kanyang bagsik sa pagiging ulyanin. Di ko siya masisisi, it's natural process here on earth that we people do get old, and there's nothing we can do about it.

Ngunit sa isang katulad ko, di ako magpapatalo na sesermonan na lang sa harap ng ibang mag-aaral dahilan lang na wala akong dalang libro. Ano ako? Bobo? Kung iyan ang iniisip mo Ermitanyong Baliw,  bumalik ka sa inyong bukid at maghanap ng herbal tea na makakagamot sa iyong sirang utak.

Marahil di ko man kilala si clara, pero nakadikit sa aking memorya si Gary. Kaya alam kong paano makipaglaro sa apoy. Kaya propesor, mag-ingat sa pagsaing baka ika'y makain ng apoy mong mukhang dinadaing.

Nang di mo ako pinasagot sapagkat wala akong libro, di mo ba namatiyagan ang aking malademonyong titig? Siguro'y hindi nga dahil nakatakip ang aking maamong mukha. Iyan ang mga isa sa kahinaan ng pagkakaroon ng magandang imahe na ipinagkaloob ng Diyos. At kagaya mo na pinagdamutan ng itsura ng Maykapal, halika't tutulungan kitang manalangin sa iyong kahilingan.

Huwag mo kasing pakuluin ang aking ulo sapagkat di ito aatras sa laban at makikipagdigmaan ito kahit umabot man sa duguan:)

Huwag kayong matakot aking mga kaibigan, ito lamang ay munting paalala na ito ang inyong aabutin kung saka-sakaling manggagambala kayo sa aking ordinaryong araw.


Wednesday, June 15, 2011

Mahirap Maging Duwag

Marahil ako na siguro ang pinakahuling taong magtatanong sa inyo nito. "Kamusta ang unang pasok niyo?" Ngunit pasensya na aking mahal, hindi ako nakikinig sa ma-drama mong kwento at mga salitang 'iba nga pala talaga ang hayskul' o 'miss ko na mga classmates ko!' Hindi ko pag-aaksayahan ang oras ko para lang makiiyak at makiramay sa iyo. Hindi ako ganoon ka babaw at alam ko ang pinagdadanan mo ay isa lang hakbang patungo sa daan ng Ewan Ko. Ayokong magbigay ng mga payo katulad ng 'Okay lang iyan, masasanay ka din.' Kasi alam kong magiging okay ka at masasanay ka din.

Ako'y isang taong matalino at hindi nakakulong sa maliit mong mundo. Ngunit kung ikaw ay patuloy na nagbabasa ng blog na ito,  kuha ko na kung anong inaasam mo. Alam kong wala kang magawa (oo, ikaw) kaya pagbibigyan kita sa maliit mong pagsusumamo. Hindi naman sa nangungumpanya pero ang limang minuto mo ay di maaaksaya.

Now let's get back to the real thing. Lakas ng kaba sa dibdib at di mabukang bibig ay isa sa mga simbolo ng bawat estudyanteng nababalot ng nerbyos. Ang mga di mapigilang tanaw sa iba't ibang  sulok ng unibersidad, pagpinta ng nakakaawang mukha, pagpindot ng keypad ng mga cellphone upang di mahalata na walang kasama at walang katapusan paghawak ng panyo. Ito ang dala-dala mong mga palatandaan na ikaw ay isang bobong first year student.

'I just don't want to give them the wrong impressions.' Weh. Di nga. Sa halip na mag mukha kang inabandonang supling na di alam kung anong gagawin, mabuti pa, ika'y tumayo at ilabas ang kumpiyansa sa sarili. Siguraduhin lamang na tamang kumpiyansa at kasi baka masobraan, otot ng mabahong ugali mo ang iyong mailabas. Lumikha ng ngiti gamit lamang ang iyong mga mata at ibigkas ang salitang 'hello.' Kung di mo man ito mabigkas, meron pa naman isa. 'Hi.' At kung di mo pa rin mabigkas, payo ko, umuwi ka sa inyo, kumuha ng gatas at pumunta ng day care.

Nakakalungkot man isipin na mayroon ng gamot para sa mga bobo (MEMOPLUS) at wala pa sa mga duwag.

Isa lamang itong maliit na hakbang patungo sa iyong hinihintay na college life, datapwa't ito'y magbubukas ng panibagong mundo.

Wait, hayaan nalang nga natin ang mga bobong ito ay magpatuloy sa kanilang ginagawa. Ako'y nag-aalala baka wala ng matatalinong tao mabubuhay at matitira kagaya ko.:)

Saturday, June 11, 2011

Bida angTanga!

Nasubukan niyo na bang umibig sa isang taong walang kasiguraduhan na iibigin ka rin? Nalasap mo na ba ang tamis ng kanyang mga ngiti na akala mo'y para sa iyo? Nahulog ka na ba sa kanya malaanghel na mga titig na tila dinadala ka patungong langit? Marahil oo at marahil hindi. Pero isa lng ang tawag diyan. TANGA! At sino bang mag-aakala na kasali ako sa mga tangang nahulog sa patibong na iyan. At laking panghihinayang ko na ni isa ay walang tumulong sa akin na pagsabihan akong 'Alam mo nagiging stupido ka na.' Siguro mas duwag pa sila kasi ni kaibigan nila ay di nila magawang tulungan. Buhay nga naman, parang paa, minsan ikaw ang nang-aapak at madalas ikaw ang naapakan.

Naging palalo naman ako sapagkat marami akong natutunan sa pagiging tanga. Kaya yung mga hindi pa, bukas ang pinto for free registration. Requirements: none. Wala kayang kwalipikasyon sa pagiging tanga. Lahat pwede, babae man o lalaki, lalo na ang bakla at tomboy, bata o matanda, at mahirap o mayaman.

UNANG leksyon. Huwag umibig sa taong may iniibig! Para ka namang bungi niyan. Pilit pa rin nagsasalita kahit alam nang di na pwede. PANGALAWA. Huwag umasa lalo na sa mga magaganda! Dalawang tao lang naman ang nandito sa mundo, sabi nila mabait at masama, sabi ko naman, maganda at pangit. Kaya kayong mga pangit, huwag umasa na magusgustuhan kayo ng mga magaganda. Aber, saan ka nakakita ng pelikula na may nagmamahalan nang maganda at pangit sa walang hanggan. Saan mo nakita si Bea Alonzo na ipinares kay Bentong. Kuha niyo punto ko? Kaya kayong mga tanga, huwag maging yoyo, kahit itinatapon na, pilit pa rin bumabalik. PANGHULI, huwag ipilit ang relasyong di mapilit. Para ka kasing nagpapadikit ng papel sa dingding gamit ang iyong laway. Alam mo mabubulyaso, pinipilit pa rin.

Kaya kayo mga tanga, kung saan di na ako kabilang sa titulong iyan, lagyan niyo naman ng third eye ang noo niyo at tumingin sa paligid. Magdasal naman kayo paminsan minsan na nawa'y payuhan kayo ng ating Dakilang Panginoon sa daan na may patutunguhan. 

Sinasabi ko ito sa inyo mga TANGA sapagkat ako'y isang concerned citizen  na nag-aalala sa mga taong naglalaro sa kanilang sariling apoy. MAGMASID. MAGING MAPAGMATIYAG. At ibahagi ang blog na ito sa mga taong may lubos na pangangailangan.At huwag niyo sundin ang utos ng mga pari. Humayo't magpakarami? Ikaw na ata ang pinakatanga!

Friday, June 10, 2011

Kung kayo'y napadaan o nasilayan saglit sa blog na ito, oops oops oops, mag dalawang isip at baka makita niyo na ang inyong sarili na nanghihinayang. Wait a minute, huwag kang uminit! kitang-kita kong bumubuo na ng San Juanico Bridge ang inyong mga kilay at nagtataka kung sino nga ba ang hambog na ito na nagsusulat sa mga salitang nagpapakulo sa inyong dugo. Teka teka, naamoy ko ang halimuyak ng iyong mga titig.

At ngayo'y ngumingiti ka na sapagkat lahat ng aking sinusulat ay patinig sa iyong iniisip. Patuloy ka pa rin nagbabasa kahit alam mong tinutulak na ng iyong daliri ang back button. Ngunit di kita masisisi sapagkat ika'y dahan-dahang nahumahumaling sa aking mga sinasabi.

Hindi ako ang tipong tao na magbibigay abot-tengang ngiti upang salubungin ka sa iyong pagdating.
Subalit ako'y gagambala sa iyong katawang-lupa at patitindigin ang iyong balahibo sa alindog ng aking pag-iisip.

Aking kaibigan, payo ko, pumunta ka ng tindahan, bumili ng 3 in 1 sapagkat susubaybayan mo ang kwento kong di mo kinagisnan.