Saturday, July 23, 2011

Sulat mula kay San Pedro (Hulyo 22, 2011)


 
Mahal kong Inaanak,
                Sa ika-23 ng Hulyo 2017, isang di inaasahang pangyayari na wawasak sa iyong kinabukasan ang mababaon sa isang alaala.

               Alam kong nahihirapan at naninibago ka sa buhay kolehiyo. Hindi ito ang buhay na iyong kinagisnan at alam ko rin hindi mo ito napaghandaan. Noong isang buwan, nakisalamuha ka sa iba’t ibang tao at tinikman ang masariwa nilang mga ugali. Alam kong hindi madali sa iyon inaanak. Sa halip na sumuko , ika’y nagdesisyon na magsikap at makakuha ng malaking marka para suklian ang ang iyong magulang. At ako’y  lubos nagagalak sa iyong ginawa.

              Makalipas ang isang buwan, ika’y natutong makisabay sa iyong barkada na nagbigay kulay sa iyong bagong pahina ng iyong buhay. Ika’y dumungaw sa mga pook ng siyudad na ngayon mo na lang napuntahan. Ika’y tumanaw sa mga bagong pagkain, lugar at tao. At ako’y lubos na nagagalak na marami kang bagong natutunan sa mundo ng realidad.

              Makalipas ng isang taon, napansin kong hindi ka na umuuwi sa ating tahanan. At ako’y nag-aalala. Humingi ka ng pitong libo sa iyong ama’t ina sapagkat marami kang bilihin para sa iyong  pag-aaral. Kitang kita ko ang paghihirap na kanilang tinatamasa, halos languyin na nila ang putikan sa pagtatanim para mabigyan ka lang ng pera.

             Makalipas ng dalawang taon, hindi mo na binabalitaan ang iyong magulang sa iyong pag-aaral. Muntik nang lumuwas ang iyong ama ngunit pinigilan siya ng iyong ina dahil malaki ang tiwala niya sa iyo. Narinig nilang unting-unti mo nang winawaldas ang pera para sa inuman, yosi at sugal. Hindi nila ito pinaniwalaan sapagkat sinabi mong hindi ito totoo.
            
             Makalipas ng tatlong taon, ika’y umuwing buto’t balat. Ang gaspang ng iyong mukha at kaawa-awa ang iyong mga mata.  Umiyak ang iyong ina at pilit na nagtatanong kung ano ang nangyari sa iyo. Ngunit sinagot mo pa rin sila ng iyong kasinungalingan. Makalipas ang ilang araw, ika’y nanghina at nagpasya ang iyong magulang na dalhin ka sa ospital. Natagpuan nilang dahil ito sa iyong mga bisyo. Nakakalungkot ang mga luha’t hinanagpis na naipinta sa mukha ng iyong ina.
       
            Sinasabi ko ito sa iyo inaanak upang ipakita sa iyo ang mga panganib na mangyayari sa iyo. Ayokong isang buhay na naman ang masasayang dahil sa kanilang mga maling desisyon.  Kaya’t isipin mong mabuti ang bawat yapak na iyong hahakbangin. Sana huwag mong itapon ang pinagaguran ng iyong magulang sa maraming taon.

Nagmamahal,
San Pedro

Saturday, July 9, 2011

Hanggang Ngayon Pa Ba Naman?

Napakalungkot nga naman isipin ang mga alaala na bumabalik sa iyong damdamin noong ika'y isang mag-aaral pa noong hayskul. Ang mga tawanan, iyakan at katuwaan. Haaay. Nakakamissssss.

Pasensya na kung ako'y nag dadrama, ngunit nandito ka nga di ba upang makinig sa aking mga kuwento't hinanakit?  Kung hindi man, umalis ka't gumuhit ng litrato sa pader nang sa gayon mabigyan kabuluhan ang iyong walang kwentang buhay.

ANYWAY,

Natatandaan niyo pa ba ang inyong mga karaniwang ginagawa sa hayskul at di ninyo namamatiyagan na hanggang sa pagtuntong ng kolehiyo ay ginagawa niyo pa rin.  Kasali na dito ang:

1. Pagkain ng takip ng ballpen. Oo, nakakadiri man isipin, ngunit sa mga iliteradong mag-aaral, ito ang kanilang pampalipas oras. Di ko man mawari kung ano nga ba talaga ang lasa ng takip na ito o sadyang baka may mga taong makakating ang dila. Kawawang mga nilalang. Makaimbento nga ng flavored-ballpen, upang tulungan ang mga pataygutom na ito.

2. Ang pagtayo at pagyuko tuwing sasambit ng "Magandang umaga." Ako din ay naging biktima na ng walang hiyang ito. Sadyang napakahirap nga alisin ang baho ng pagiging hayskul student.

3. Ang paghihintay sa guro sa pagsigaw ng "Goodbye class" at saka doon pa lalabas sa hawla.Iba nga pala sa kolehiyo, wala nang respeto ang mga guro sa estudyante. Ni pagsambit ng paalam ay di magawa. Buti pa ang kagaya ko, mabait at magalang :)

4. Ang pagdala ng libro na di naman gagamitin pagdating sa paaralan. Sadyang ako nga lang ba ang stupido o aking mga guro? Pinipilit nilang maging kuba at baliin ang likod ng mag-aaral para sa isang dosena na libro na di naman gagamitin. Pasalamat kayo't hindi ko kayo isinakdal sa korte.

5.  Ang paghaharvest ng kulangot sa ating mala-kagubatang ilong. Huwag tumawa, sapagkat alam kong ito'y nakagisnan mo mula pagkabata hanggang mag menopause ka. Siguraduhin lamang na huwag laruan ang inyong mga naharvest at idikit sa ilalim ng upuan.

Ilan lamang ito sa ating nakagisnan noong tayo'y wala pang kamuwang-muwang sa ating mundong ginagalawan ngunit kailangan natin itong baguhin. Di mo ba nararamdaman? Unti-unti ng numinipis ang kaliskis ng iyong makapal na mukha. Isa iyang malaking biyaya!