Kung kayo'y napadaan o nasilayan saglit sa blog na ito, oops oops oops, mag dalawang isip at baka makita niyo na ang inyong sarili na nanghihinayang. Wait a minute, huwag kang uminit! kitang-kita kong bumubuo na ng San Juanico Bridge ang inyong mga kilay at nagtataka kung sino nga ba ang hambog na ito na nagsusulat sa mga salitang nagpapakulo sa inyong dugo. Teka teka, naamoy ko ang halimuyak ng iyong mga titig.
At ngayo'y ngumingiti ka na sapagkat lahat ng aking sinusulat ay patinig sa iyong iniisip. Patuloy ka pa rin nagbabasa kahit alam mong tinutulak na ng iyong daliri ang back button. Ngunit di kita masisisi sapagkat ika'y dahan-dahang nahumahumaling sa aking mga sinasabi.
Hindi ako ang tipong tao na magbibigay abot-tengang ngiti upang salubungin ka sa iyong pagdating.
Subalit ako'y gagambala sa iyong katawang-lupa at patitindigin ang iyong balahibo sa alindog ng aking pag-iisip.
Aking kaibigan, payo ko, pumunta ka ng tindahan, bumili ng 3 in 1 sapagkat susubaybayan mo ang kwento kong di mo kinagisnan.
Look once but read twice.
ReplyDeleteThe tittle was great. And surely it was true. The meaning of the article do not depend on the words or the language that You used, but it was itself self-sustaining and a mere reflection of "SELF-RELEVANCE."
People could misunderstand all of it, but somehow it passed my qualifications.
Great Job.